BARKADA NOVO ECIJANO
Ang BARKADA NOVO ECIJANO ay isang grupo ng mga Kabataan mula sa iba’t-ibang lugar sa Nueva Ecija.
Ang grupo ay nabuo noong ika-1 ng Hunyo taong 2006 sa pangunguna ng 4 na Kabataan mula sa Lungsod ng San Jose. Ang layunin nito ay magkaroon ng maraming kaibigan sa pamamagitan ng kanilang mga CELLPHONE o mas kilala bilang TEXTERS CLAN.
Sa unang buwan ng grupo, umabot ito sa 50 miyembro mula sa mga lugar ng San Jose City, Cabanatuan City, Lupao, Cabiao, General Natividad at Gapan.
Taong 2007, ginanap niyo ang kanilang kauna-unahang Grand Eye-Ball sa Villa Ramos Resort, sa Lungsod ng San Jose. Mula sa huling tala ng taong iyon, umabot sa higit kumulang 1071 ang miyembro nito at nadadahdahan pa hanggang sa taong kasalukuyan.
Katulad ng maraming grupo, ito ay nabawasan ng mga miyembro ngunit hanggang ngayon ay puspusan ang panghihikayat ng grupo upang mapalaki pa ang kanilang bilang.
Sa ngayon, ang grupo ay nagkakaroon na ng mga COMMUNITY BASE Acitivities tulad ng FEEDING PROGRAM at pamimigay ng mga RELIEF GOODS sa mga nasalanta ng kalamidad.
NARITO MULI ANG PINABAGO, PINASIGLA at PINASAYANG…
BARKADA NOVO ECIJANO